Hinimok ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na ituloy ang pag-calibrate sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at pagbuo ng iba pang social protection initiatives ng gobyerno.
Sa kanyang talumpati sa ika-72 taong founding anniversary ng DSWD, nanawagan si Marcos sa ahenya na ipatuloy din ang pagpapatupad sa Unconditional Cash Transfer program upang makapagbigay ng cash grants para sa mahihirap na households at indibidwal.
Maliban dito, pina-iigting din ng pangulo ang Social Pension Program para sa mga Indigent Senior Citizens bilang paraan para ma-augment ang kanilang araw-araw na pangangailangan at medical needs.
Samantala, kinilala ng punong ehekutibo ang mga hakbang ng DSWD sa pagbawas sa kahirapan at gutom, maging ang pagkamit sa upper-middle income status sa 2025.
