Pagkayod ng mga tricycle driver sa Camarines Sur , naapektuhan din ng ilang araw na pag-ulan

NAGA CITY – Naapektuhan din ang hanap-buhay ng mga tricycle driver sa bayan ng Goa, Camarines Sur dahil sa ilang araw na naranasang pag-uulan kung saan ilang Barangay ang nakaranas ng pagbabaha.

Ito ang napag-alaman ng Brigada News FM Naga nang makapanayam si Arnold Cabalquinto, Presidente ng GOTODA.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Aniya, may ilan sa kasamahan niya ang pansamatalang hindi na muna kumayod para na rin sa kanilang kaligtasan, ngunit may ilan namang kumayod dahil nanghihinayang sa kita. Hindi rin naman daw nagpumilit pa ang ilan na tumawid dahil napakadelikado.

Read More:  Iloilo barangay councilor nabbed in buy-bust, ₱2.24M worth of shabu seized

Ang inaalala naman nila ngayon ay ang ilang bahagi ng kalsada sa bayan na nahukay dulot ng pagbabaha kung saan pinapag-ingat ang mga motorista maging mga residente ng bayan.

Ngayong Pebrero 1, unti-unti nang bumubuti ang lagay ng panahon sa lalawigan.