ZPPO humingi ng pang-unawa at paumanhin dahil sa mahigpit na patakaran sa border checkpoint

Humihingi ng pang-unawa at paumanhin ang Zambales Police Provincial Office sa publiko.

Ito ay kasunod ng mas mahigpit na pagpapatupad ng mga patakaran sa dalawang border control.

Hindi kasi papasukin sa border ng Subic at Sta. Cruz ang sinumang hindi susunod sa mga ipinatutupad.

Kinakailangan ng negative RT-PCR test result ang mga manggagaling sa NCR, mula sa lugar na nasa ECQ at may kaso ng delta variant na tatagal ng 24-oras sa Zambales at rapid antigen test naman para sa mga maglalagi sa lalawigan pero hindi tatagal ng 24-oras.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Para naman sa mga cargoes o delivery ng essential goods and services, APOR, contractor, kawani at trabahador ng DPWH at mga arawang nagtatrabaho sa labas ng Zambales ay kinakailangan ng rapid antigen test na mayroong isang linggong validity.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Ayon kay Pcol. Romano Cardiňo sa mga border checkpoint ay mayroong nakaantabay na maaaring magsagawa ng antigen test pero hindi libre.

Ang libre lamang ay ang mga residente ng lalawigan na mapapatunayang walang kakayanang magbayad.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

May be an image of food and text that says 'RISK OF HIGH IN FAT DIET Diet high in fat and cholesterol may raise the risk of heart disease and cardiovascular illnesses. Cinnamon bark in Curamed may improve some key risk factors heart disease, including cholesterol, triglycerides and blood pressure. CuraMed Shop now! Lazada'