Target ni DILG Sec. Jonvic Remulla namaging casualty-free ang darating na Eleksyon sa susunod na taon.
Ayon kay Remulla, iniutos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tiyakin ang kaligtasan ng mga kandidato at mamamayan sa nalalapit na halalan.
Tinukoy din niya ang ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao , Cagayan, Nueva Ecija, at Palawan bilang mga lugar na maaaring maging hotspots sa midterm elections.
Dahil dito, makikipagtulungan aniya ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno upang maging mapayapa ang halalan, at wala dapat na magbuwis ng buhay.
Bilang dating opisyal sa Cavite, ibinahagi ni Remulla ang naging hakbang niya noon na bigyan ng mobile patrol vehicles ang mga mayoral candidates bilang karagdagang seguridad bukod pa sa kanilang mga personal na bodyguard.