Tuloy na sa susunod na linggo ang paghahain ng ethics complaint laban kay Representative Wilbert Lee.
Ayon kay Marikina City Second District Representative Stella Quimbo, tinapos lamang nila ang period of filing ng certificate of candidacy para sa 2025 midterm elections.
Mayroon aniyang ipinadalang letter of apology si Lee ngunit tila napilitan lamang umano ito.
Personal nang humingi ng paumanhin si Lee kay BHW Party-list Representative Angelica Natasha Co nang magkita sila sa Tent City sa Manila Hotel.
Wala pang tugon ang kampo ni Lee hinggil sa nangyaring insidente ng panduduro at pagbabanta umano nito kina Quimbo noong plenary debates para sa budget ng DOH.