Pia Wurtzbach, target naman ang London Marathon sa 2023

Matapos ang pagsali sa New York Marathon kamakailan, ibinahagi naman ngayon ng Miss Universe 2015 sa kanyang Instagram, na nakatakda siyang makilahok sa London Marathon sa susunod na taon.

“London Marathon is waiting,” saad ni Pia Wurtzbach sa caption, at may petsang April 23, 2023.

Read More:  Comedian Ate Gay dies at 55 after battle with cancer

Ayon kay Pia, na ang pagpasok sa buong bagong mundo ay ang talagang gustong-gusto umano niyang i-explore.

Kabilang na dito ang pagbuo umano ng pagkakaibigan sa mga bagong kakilalang tao.

Read More:  Yeng Constantino gives fans a glimpse of dream house with husband Yan Asuncion

Paliwanag nito, na sa naturang marathon, kasama niya ang iba’t-ibang tao na may iisang layunin… ito ay ang matapos na malakas.

Sa huli, hinimok nito ang bawat isa, na gawin ang bagay na gusto-gustong nila para sa kanilang sarili. //MHEL PACIA