Zeinab Harake, emosyonal sa proposal ni Ray Parks

Ibinahagi ng vlogger na si Zeinab Harake sa kanyang Instagram post ang romantic proposal ng PBA player na si Bobby Ray Parks Jr.

Makikita din sa post ni Zeinab, na mala-fairy tale ang set-up ng proposal dahil napuno ito ng bulaklak, fairy lights, at may life-size letters din na may salitang “WILL YOU MARRY ME?”.

Bago mangyari ang nasabing proposal ay humingi na raw ng basbas si Ray sa magulang at mga kapatid ni Zeinab.

Pumayag din naman ang mga ito dahil nakita umano nila kung gaano kamahal si Zeinab ng kanyang boyfriend.

Para sa basketbolista – hindi lang daw si Zeinab ang kanyang mamahalin, kung ‘di maging ang mga ito. (Brigada Intern Khen Alix)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *