ITINAKDA sa July 12 – 13 ang 2024 Micro, Small and Medium Enterprises o MSME Expo na inorganisa ng provincial government ng South Cotabato sa pamamagitan ng South Cotabato Economic and Investment Promotion Center.
Ito ay gaganapin sa EMR Convention Center sa Koronadal City. Ang MSME expo ay bahagi ng selebrasyon ng National MSME Month at 58th Foundation Anniversary at 25th Tnalak Festival.
Ito ay isang pagkakataon para sa mga MSMEs na i-showcase ang kanilang mga produkto at serbisyo, mapalawak pa ang kanilang network at magbukas ng bagong mga business opportunities.
