Mga tumulong sa pagpapatayo ng Sto Dominggo Community College Project, pinasalamatan ng LGU

LEGAZPI CITY – Pinasalamatan ng lokal na pamahalaan ng Sto Domingo, Albay ang mga tumulong para maipatayo ang isang Community College sa nasabing bayan.

Sa isinagawa namang blessings at inauguration ng paaralan, sinabi ng alkalde ng nasabing bayan na matagal na umanong plano ng LGU na magkaroon ng isang community college sa kanilang lugar.

Read More:  ₱916K smuggled cigarettes seized in Zamboanga Sibugay

Ayon pa sa alkalde, mas maganda umano kung bawat pamilya sa Sto. Dominggo ay magkaroon ng isang anak na makapagtapos sa kanilang pag aaral sa kolehiyo upang makatulong sa kanilang pamilya.

Read More:  20-year-old caretaker killed in Cebu robbery case

Dahil rin sa naitayong paaralan, wala na umanong dahilan ang mga magulang na hindi kayang pag-aralin ang kanilang mga anak sa kolehiyo, dahil libre na ang pag-aaral ng mga ito sa nasabing paaralan.