ZAMBALES- Naglabas kahapon ng paglilinaw ang Zambales Tourism Office kaugnay sa naunang inilabas nitong anunsyo tungkol sa mga edad na pinapayagang turista mula sa MGCQ low risk areas.
Nilinaw nito na ang pinapayagan ay mga travelers na edad mula 15 years old hanggang 65 years old.
Matatandaan na sa May 28 ay magsisimula nang tumanggap ng turista ang lalawigan pero kailangan ay may RT-PCR negative test result at nakapagrehistro sa ViS.I.T.A system.
Susundin ang lahat ng mga requirements at hindi papayagan ang walk-in o hindi nagparehistro sa system.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO
