Zambales PHO aminadong mababa pa ang bilang ng mga nagpapaturok ng booster shot

Aminado ang Zambales Provincial Health Office na mababa pa ang bilang ng mga nagpapaturok ng booster shots kontra corona virus disease.

Sa datos ng PHO, nasa 54,000 pa lamang ang nagpabooster sa buong lalawigan ng Zambales.

Read More:  16-year-old alleged gunman linked to Cebu City slaying

Ayon kay Provincial Health Officer Dr. Noel Bueno, kahit na nagbabahay-bahay na ang kanilang team ay mayroon pa ring ilan na ayaw magpaturok.

Dahil karapatan naman umano ito ng mamamayan ay hindi rin maaaring pilitin kapag umayaw.

Read More:  2 former NPA members surrender in Eastern Samar, Negros

Sa kabila nito, paalala ni Bueno na mahalaga ang booster shot dahil mayroon ng iba’t ibang variant ang covid-19.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

May be an image of 1 person and text that says 'SHOP NOW! Lazada MIND- MIND-BODY WELLNESS "Wellness is the complete integration of body, mind and spirit- the realization that everything we do, think, feel and believe has an effect on our state of well-being. Greg Anderson ASCORBIC ACID (as Calcium Ascorbate) GUARD-C www.aaann-an'