LGU Surallah nagpapatupad ng temporary ban sa entry ng mga baboy, pork products

KORONADAL CITY- IPINAGBABAWAL ang pagpapapasok ng mga baboy at mga pork products sa bayan ng Surallah na mula sa ibang lugar.

Ito ang inihayag ni Municipal Veterinarian Dr. John Christian Argamosa matapos na nakapagtala ng kumpirmadong kaso ng African Swine Fever (ASF) ang karatig-bayan nito na Banga.

Read More:  41 women, including 10 minors, rescued in Cebu human trafficking operations

Ayon kay Argamosa na ang temporary ban at prohibition sa entry ng mga baboy at mga produkto nito na galing sa labas ng Surallah ay alinsunod sa Executive Order o E.O No. 012 series of 2022 na ipinalabas ng alkalde.

Read More:  Cebu City landslide kills three, leaves one survivor as 212 residents are affected

Kaugnay nito, nananawagan si Argamosa sa publiko na makipagtulungan at i-report sa kanilang tanggapan ang mga indibidwal na nagpapasok ng mga baboy mula sa mga ASF infected areas.
Nagsagawa na rin ang LGU ng blood collection at surveillance sa mga baboy sa Barangay Libertad, Centrala at Barangay Naci.