Yumaong lola, hiniling na lagyan ng malaking estatwang hugis ari ang kanyang puntod bago namayapa

KARANIWAN sa mga mayayaman at nasa mataas na uri ng pamumuhay ang maghabilin ng kanilang mga nais na mangyari bago sila tuluyang malagutan ng hininga o pumanaw.

Madalas, ang tinatawag na “last will and testament” ay hinggil sa mga iiwang ari-arian at pamanang kayamanan ng isang taong malapit nang mamatay, ngunit iba para sa kaso ng isang namayapang lola sa bansang Mexico.

Instant tourist attraction kase ngayon sa isang sementeryo ng nasabing bansa ang isang napakalaking estatwa ng ari ng lalaki na nakatirik sa mismong puntod ng namayapang si Doña Catarina Orduna Perez.

Kwento ng pamilya ni Lola Catarina, bago ito pumanaw ay ilang beses nitong inihabilin na patayuan ng malaking estatwa ng ari ng lalaki ang kanyang puntod kapag siya ay namatay.

Bagay na masusing pinag-usapan ng naiwang pamilya dahil ayon sa mga ito, posibleng maging sanhi ng “eskandalo” ang kahilingan ng matanda.

Ganunpaman, sinunod pa rin nila ang habilin nito at nagpagawa sila ng limang talampakan at may bigat na 600 pounds na rebulto ng ari.

Kinagiliwan naman ito ng mga netizens at katunayan ay marami ang nagpapakuha ng litrato sa puntod ng yumaong lola.

Kilala umano sakanilang lugar si Lola Catarina sa pagiging “ope n minded” at hindi mapanghusgang kapitbahay sakanilang lugar noong ito ay nabubuhay pa.### JDR, BNFM BICOL