Yorme – makakalaban ang dating ka-alyadong si Mayor Lacuna

Pormal nang naghain ng kanyang kandidatura sa pagka-alkalde ng Maynila si dating Mayor Isko Moreno.

Nang tanungin kung bakit siya muling tatakbo sa pagka-alkalde, sinabi nito na ang taumbayan ang nag-udyok at nagparamdam para maghain siya ng kaniyang kandidatura.

Ayon kay Yorme, proud siya kay incumbent Mayor Honey Lacuna pero nagtatampo aniya ang taumbayan.

Read More:  Labor coalition criticizes Senate leadership Change

Partikular aniya rito ang mga hinaing ng senior citizens tungkol sa kanilang allowance, isyu sa online schedule ng health center at iba pa.

Pero sabi ni Moreno, personal siyang pumunta kay Lacuna para magpaalam na tatakbo ito bilang alkalde pero hindi siya sinang-ayunan.

Una nang sinabi ni Lacuna na binanggit ni Moreno na hindi na ito kakandidato.

Read More:  NBI seeks CCTV footage of Sen. Bato’s arrival at Senate

Bukod kay Lacuna, makakalaban din ni Moreno sa pagka-alkalde ng Maynila sina TV host at negosyanteng si Sam Verzosa at ang independent candidate na si Alvin Karingal Avecilla na una nang nag hain ng COC.

Samantala, kasabay ni Moreno na maghain ang kanyang ka-tandem na si Chie Atienza na tatakbo naman bilang bise alkalde ng lungsod at makakalaban nito si incumbent vice mayor Yul Servo.