Isa pang inmate – idinawit na ‘Chinese Spy’ si Alice Guo

Muling ipinagpatuloy ng komite ni Senadora Risa Hontiveros kasama ang ilang senador ang executive session kay Alice Guo.

Kasunod ito sa naging concern ni Senate Majority Leader Francis Tolentino na posibleng mapagod o hindi na tumuloy si Alice Guo kung sa dulo pa ng pagdinig itong gagawin.

Bago ito, ipinalabas muna sa pagdinig ang interbyu ni Wang Fugui na siyang cellmate ni She Zhijiang.

Read More:  CBCP urges Senate to immediately proceed with VP Sara impeachment trial

Sa nasabing video, sinabi ni Wang na binigyan siya ni She ng access sa mga top-secret documents kung saan nakita niyang espiya si Guo.

Ikinwento rin niyang tila inayos lang din ng Chinese State Security ang ginawang pagtakbo ni Alice Guo bilang alkalde ng Bamban, Tarlac.

Anya, sa kanyang kaalaman, ilan lang sa mga ipinagawa ng China sa mga espiya nila ang pagkolekta ng intelligence at pagpapatrabaho sa mga ito bilang opisyales o businessman para sa kanilang political at economic interest.

Read More:  SP Cayetano confirms Sen. Bato no longer inside Senate building

Ayon pa kay Wang, ginagamit ng Chinese government ang ilang espiya upang magtrabaho sa kanila para sa political o economic interest.

Bilang tugon sa nasabing sitwasyon, nais umanong paamyendahan ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada ang kasalukuyang Espionage Law.