IPINAGBAWAL ng Kilusang Houthi– ang kumokontrol sa hilaga ng bansang Yemen, ang pag-import ng Swedish products bilang protesta laban sa pagsunog ng Koran sa Stockholm.
Ayon sa kalakalang ministro ng Houthi, ang Yemen ay ang kauna-unahang bansang islamiko na nagbawal sa pag-import ng mga kalakal ng Swedish matapos ang paglabag nito at paglapastangan sa pinakabanal na aklat ng mga Muslim.
Samantala, inilarawan rin ng ministro ang mga pag-import ng Swedish bilang ‘limitado’ ngunit ito umano ang pinaka maliit na bagay na lamang na magagawa ng mga Houthis para kondenahin ang umano’y pambabastos sakanilang relihiyon.
Sinabi naman ni Justice Minister Gunnar Strommer noong nakaraang linggo na sinusuri na ng gobyerno kung maaari nitong gawing illegal ang pagsunog sa Koran o iba pang mga banal na aklat, dahil ang pagsunog ng koran ay nakapinsala sa kalakalang seguridad ng Sweden.### HARLIN LUMIBAO, Intern