LEGAZPI CITY – Umabot sa mahigit 1,000 katao ang nakaranas ng iba’t ibang mga sakit sa loob ng evacuation center sa lalawigan ng Albay.
Ito ay kinumpirma ng Albay Public Safety and Emergency Management Office (APSEMO) sa kanilang pinakabagong datos sa isinagawang consultation monitoring ng Provincial Health Office.
Ayon sa APSEMO, nakapagtala sila ng 1,119 na mga bakwit na nagkaroon ng ubo, sipon, sore throat ,habang sila ay nasa loob ng mga pasilidad.
Nasa 197 ang nakaramdam ng sakit ng ulo, 340 ang kaso ng lagnat, 172 ang nagkaroon ng open wound at bruises habang 172 ang nakaranas ng LBM.
Mas hinigpitan naman ngayon ang isinasagawang disease surveillance at health consultation sa iba’t ibang mga evacuation centers sa lalawigan.
Patuloy rin ang isinasagawang mga hakbang ng dalawang tanggapan upang mapigilan na ang pagdami pa ng mga nagkakasakit na mga bakwit sa mga evacuation centers.