Isang bilyonaryong pamilya sa United Kingdom ang kamakailan ay naghahanap ng katulong para sa kanilang pinakamamahal na aso.
Ayon sa LinkedIn post ni George Ralph Dunn na mula sa Fairfax at Kensington, isang recruitment agency na nasa South Kensington, London ang naghahanap ng full-time dog nanny na magkakaroon ng suweldong £100K o aabot lang naman sa 7 milyong piso.
Ngunit, ang hinahanap umano ng kliyente ay ang eksperyensiyado na makapagbibigay ng hindi matatawarang pag-aalaga sa kanilang aso.
Dapat rin umano na alam nito o may kahusayan ito sa pagmomonitor ng kalusugan kung kaya isa umano sa requirements na dapat may alam ang aplikante sa tamang nutrisyon na ibibigay rito at maipaalam ang mga aktibidad nito sa araw-araw.
Sa kasalukuyan, umabot na sa mahigit 300 mga aplikante ang nagpaabot ng kanilang sinserong kagustuhan na maging tagapag-alaga ng nasabing aso.|𝗪𝗘𝗡𝗖𝗬 𝗟𝗜𝗦𝗔𝗬