Xian Lim, binigyan ng riding gear ang kanyang nobya na si Kim Chiu

May pahabol na regalo ang aktor na si Xian Lim para sa kanyang nobya na si Kim Chiu na nagdiwang ng kaarawan noong nakaraang buwan.

Sa post ng aktres sa Instagram ay makikita ang motorcycle bonding ng dalawa habang sa ibang litrato ay makikita na may suot suot si Kim na full riding gear.

Read More:  Ate Gay’s family threatens action against individuals spreading false reports about comedian’s death

Mababasa sa caption nito: “Someone bought me a full gear para daw ready ako umangkas sa kanya! Ang bigat ng helmet, di talaga ako mauuntog nito!”

Read More:  Comedian Ate Gay dies at 55 after battle with cancer

Sa hiwalay na post naman ni Xian ay makikita rin ang litrato nilang dalawa na magkasama habang nakasakay sa motorsiklo.

Sinabi ni Xian sa caption: “‘Yung riding boots mo… ‘yan na susunod nating kukunin for you,”