X-ray machines sa entrada ng NAIA Terminal 3, pansamantalang tinanggal

Upang mapabilis ang pagpasok ng mga pasahero, pansamantalang pinagtatanggal ng New NAIA Infra Corporation (NNIC) ang mga x-ray machine sa entrance ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Dahil dito, maaari nang dumiretso ang mga pasahero sa check-in counter nang hindi na pumipila para sa x-ray scanning sa entrada ng terminal.

Read More:  Several children saved in Davao del Sur anti-online sexual abuse raid

Pinayuhan na rin ang mga airline na mas maagang buksan ang kanilang mga check-in counters upang agad na maserbisyuhan ang mga dumating na pasahero.

Read More:  11-year-old child killed, 16-year-old injured after uncle’s knife attack in Negros Oriental

Ayon naman sa Manila International Airport Authority, nagdagdag sila ng mga tauhan dahil inaasahang tataas ang bilang ng mga biyahero ngayong Undas.

Nakaalerto rin ang Civil Aviation Authority of the Philippines sa mga paliparan hindi lang para sa Undas kundi dahil din sa epekto ng Bagyong Leon.