Mga butong nakatambak sa Barangka Public Cemetery iligal na pinaghuhukay sa mga nitso

Habang abala ang karamihan sa paglilinis at pag-aalay ng kandila at bulaklak sa puntod ng mga mahal sa buhay, nadiskubre ng Marikina Health Office ang ilang mga butong nakatambak sa isang sulok ng Barangka Cemetery.

Napagalamang kasing iligal na pinahuhukay ang higit 800 sakong mga labi na pinagtatatanggal sa mga nitso nang walang pahintulot sa mga pamilya at lokal na pamahalaan.

Read More:  CCTV records alleged abduction in Cebu City

Kinondena ng Marikina LGU ang walang pahintulot na paghuhukay, na itinuturing na paglabag sa sanitation code.

Ayon kay Marikina Mayor Marcy Teodoro, bagamat may ordinansang nagpapahintulot sa ganitong hakbang, kinakailangang ilagay ang mga labi sa tamang lugar, at kumuha ng permit mula sa city health office bago maghukay.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Sinampahan na ng kaso ang administrator ng sementeryo at limang gravedigger, kasama ang kasong kriminal na paglabag sa sanitation code.

Nabanggit din ni Teodoro ang posibilidad na sindikato ang nasa likod ng iligal na paghuhukay, dahil ipinagbibili umano ang mga bakanteng pwesto sa halagang P20,000.