Mas tumindi pa ang banggaan at palitan ng mga salita ng mga kumakandidato sa pagka-Presidente sa Amerika habang papalapit ang eleksyon.
Si dating US President Donald Trump sumakay sa garbage truck bilang tugon sa sinabi umano ni US President Joe Bidden na basura ang mga Trump supporters.

Paliwanag naman ng White House, hindi nilalahat ni Bidden ang mga supporters ni Trump dahil ang tinutukoy aniya ng Presidente ay ang komedyante nangungutya sa mga taga Puerto Rico.
Mababatid na tinawag ng Komedyante at isa sa mga supporters ni Trump na si Tony Hinchcliffe, na lumulutang na isla ng basura ang Puerto Rico. Ang racist joke na ito ay hindi nagustuhan ng mga Puerto Rican.
Samantala, tuloy naman ang pangangampanya ni Kamala Harris sa Amerika.