Isang writer kamakailan ang naging one-time best-selling author matapos mag-viral sa Tiktok ang bidyo nito na walang dumalo sa signing event ng kaniyang sariling libro.
Ito’y inupload ni Red, isang Tiktoker kung saan, nakita niya ang nasabing writer na na malungkot matapos na mistulang nilangaw ang kaniyang dapat sana’y book signing event.
Bumli nga si Red ng libro at nagpapirma, maya-maya pa ay himingi ito ng pahintulot para kuhanan ng bidyo ang kasalukuyang sitwasyon ng writer.
Nang ma-upload ito sa Tiktok ay marami ngang netizens ang naawa sa writer at marami ang nangako na bibili ng nasabing libro.
Pakaraan lang ng isang araw umabot sa mahigit 15 milyon views ang nasabing bidyo at bumuhos ang biyaya kay Warner dahil sa bigla na lamang siya naging best-selling author at nasa rank 1 na umano ito ng Teen and Young Adult Fantasy and Mystery Books sa Amazon.
Sa ngayon, taos pusong nagpasalamat si Warner kay Red gayundin sa mga taong sumuporta sa kaniya at sinabi pa niya na lalo niyang pagsusumikapan upang mas gumaling pa sa paggawa ng mga susunod niyang akda.|WENCY LISAY