Norway- Pamilyar ka ba sa ‘The Krusty Krab”? – ang fictional fast food restaurant na matatagpuan sa Bikini Bottom sa sikat na television animated series na SpongeBob SquarePants?
Ang konsepto sa pagkakaroon ng isang restaurant sa ilalim ng karagatan ay hindi lamang pala imahinasyon o mapapanuod sa telebisyon sapagkat sa bansang Norway, dinadayo ngayon ng mga turista ang tinaguriang “World’s largest underwater restaurant”
Taong 2019 nang magbukas ang “Under” – o ang restaurant na matatagpuan sa ilalim ng dagat na nasasakop ng Southern Norway sa bayan ng Lendesnes.
Ayon sa ulat, aabot sa 100 guests ang maaaring i-accommodate dito dahil sa lawak na aabot sa 500 square meters, habang ang disenyo pa lamang nito ay tunay nang kahanga-hanga sapagkat ang bukanang bahagi ay tila nakaangat ng bahagya mula sa sea level gamit ang mga materyales na hindi basta-basta pwedeng masira ng tubig alat.
Samantala, kabilang naman sa menu na iniaalok sa mga turista ay ang mga pagkaing laman-dagat, mga local birds, white sheep at iba pa.
Ayon kay Rune Grasdal na siyang project manager nito, ang pagtanggal ng mga hindi naman kinakailangan sa konsepto ng proyekto ang pinakamatagal na bahagi ng kanilang pagta-trabaho dahil sa layuning madala ng ligtas ang mga customers sa ilalim ng tubig. ### JDR, BNFM Bicol