Amber Heard nakatanggap ng libo-libong death threats sa defamation trial vs Johnny Depp

Inihayag ni “Aquaman” star Amber Heard na nakakatanggap ito ng libo-libong death threats araw-araw sa gitna ng nagpapatuloy na defamation trial laban sa dating asawang si Johnny Depp.

Ginawa ni Heard ang pahayag sa final day ng witness testimony sa Fairfax, Virginia.

Read More:  Gerald Anderson focused on building the life he wants for the future

“I am harassed, humiliated, threatened every single day,” ayon sa 36-anyos na aktres.

Maluha-luhang sinabi ni Heard sa harap ng jury na maraming nagbabanta sa kanyang buhay araw-araw na nagresulta kung bakit nakakaranas siya ng panic attacks, nightmares at trauma.

“I receive hundreds of death threats regularly, if not daily, thousands since this trial has started, people mocking my testimony about being assaulted,” dagdag pa ni Heard.

Read More:  Gerald Anderson focused on building the life he wants for the future

Bago ang pahayag ni Heard unang sinabi ni Depp sa witness stand at tinawag niyang “unimaginably brutal” ang pakikinig sa kasinungalingan ng kanyang ex-wife’s tungkol sa umano’y “heinous” at “outlandish” accusations ng domestic abuse.