World Bank, ipinanatili ang 5.7% growth outlook para sa Pilipinas sa 2022

Ipinanatili ng Washington-based multilateral lender World Bank ang kanilang economic growth outlook para sa Pilipins ngayong taon, at ikinokonsidera parin ang epekto ng Russia-Ukraine war sa global economy.

Sa virtual press briefing para sa lender’s Philippine Economic Update June 222 edition, sinabi ni World Bank senior economist Kevin Chua na ipinanatili ng banko ang kanilang 2022 gross domestic product (GDP) growth projection para sa bansa na 5.7%, kapareho sa kanilang pagtaya sa East Asia and Pacific Economic Update report na inilabas noong Abril.

Read More:  Sen. Gatchalian says he is ready if chosen as SP

Ang latest growth projection ng World Bank ay mababa sa ibinawas na GDP target ng gobyerno na 7% hanggang 8%.

Read More:  Lacson: online participation may not be allowed in impeachment trial

Sa kanilang report, binigyang diin ng lender ang malakas na 8.3% GDP growth ng bansa sa unang quarter ng taon, na sinasabing dahil sa malakas na domestic demand at ang recovery ng industriya at services sectors.

Sa kabila naman ng faster-than-expected economic growth sa pagbubukas ng taon, pinuna ni Chua na ang “very weak external environment” ang makakaharang sa growth ng bansa. //MHEL PACIA