Iginiit ni outgoing Health Secretary Francisco Duque III na mahaharap ang administrasyon ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa tatlong “major” health challenges.
Sa gitna nito, handa na ang Department of Health na ipresenta ang kanilang transition plan.
Kabilang umano sa mga planong ito ay “building on the gains” ng Duterte administration pagdating sa usapin ng pandemic response.
Binigyang diin rin ni Duque ang pagtaas sa ranking sa Nikkei Asia’s latest COVID-19 Recovery Index, kung saan umakyat ang bansa sa 33rd spot kabilang ang 120 iba pang bansa.
Inamin naman ng health chief na nahihirapan sa kanilang vaccine booster coverage, na isa umanong hamon na kailangang tugunan ng susunod na administrasyon.

Maliban dito, sinabi ni Duque na kailangang i-expand ng incoming government ang primary care services ng bansa, na inilarawan nitong “inadequate.”
Mababatid na sa ngayon, hindi pa nagtatalaga ang president-elect ng susunod na DOH secretary, pero ayon kay Duque may naririnig na siyang mga pangalan na posibleng susunod sa kanya. //MHEL PACIA