‘Workers Rest Bill’ suportado ng CHR

Suportado ng Commission on Human Rights (CHR) ang Senate Bill (SB) 2475 na naglalayong protektahan ang mga empleyado mula sa pagtatrabaho nang lampas sa kanilang itinalagang oras lalo na sa mga work from home (WFH) naka-set up ngayong(COVID-19) pandemic.

Ayon sa tagapagsalita ng CHR na si Atty. Jacqueline Ann de Guia ang linya sa pagitan ng trabaho at pahinga ay lumabo dahil sa work-from-home setup, at inabuso ng ilang employer ang accessibility ng mga empleyado sa tulong ng teknolohiya.

Read More:  House prosecution panel names official spokespersons for Duterte impeachment

Sa mas maraming Pilipinong nagtatrabaho mula sa bahay dahil sa pandemya ng COVID-19, nais ng CHR na mapanatili ang mga hangganan sa pagitan ng trabaho at pahinga.

Read More:  Remulla rebukes Bondoc over ICC warrant service

Sa ilalim ng SB 2475, na tinatawag ding “Workers Rest Law,” pipigilan nito ang mga employer na magbigay ng “unli-work from home” o magtalaga ng mga gawain at magdaos ng mga pagpupulong na lampas sa itinalagang oras ng trabaho.