Senate panel, pina-contempt ang 5 pang indibidwal sa Pharmally mess

Pina-contempt ng Senate Blue Ribbon Committee at naglabas ng warrant of arrest, laban sa limang indibidwal na konektado sa umano’y maanomaliyang pagbili ng gobyerno sa COVID-19 medical supplies.

Ang limang katao na pinangalanan sa arrest ay hindi dumalo sa pagdinig ng Senado noong Biyernes, na kinabibilangan nina Pharmally Biological executive Rose Nono Lin, Gerald Cruz, Jayson Uson, Sophia Custodio, at Dennis Manalastas.

Read More:  Authorities search Angeles subdivision in Bato hunt

Si Lin ay bigong makadalo sa pagdinig, dahil batay abogado nito at sa ipinadalang medical certificate, ito ay nagpositibo sa COVID-19 at iba pang sakit.

Read More:  DOH reports no Ebola cases in the Philippines

Samantala, si Cruz at Uson ay dating mga Pharmally Pharmaceutical officials, habang si Custodio na nobya ng embattled Pharmally executive Mohit Dargani, ay ang presidente ng kompaniyang Business Beyond Limits OPC, na konektado sa Pharmally.

Si Manalastas naman, ay opisyal ng Philippine United Technic Corporation, na dawit sa pagbili sa COVID-19 test kits ng PS-DBM. //MHEL PACIA-TRINIDAD