Workers group sa DOLE: Probe ‘no vaccine, no work policy’

Dapat nang imbestigahan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga kompanya sa bansa na nagpapatupad ng “no vaccine, no work policy”.

Ito ang inihayag ng grupong Kilusang Mayo Uno (KMU) matapos na makatanggap ng ilang mga report kung saan nakakaranas umano ng diskriminasyon ang ilang empleyadong hindi pa bakunado kontra covid-19.

Read More:  PCG logs over 37,000 passengers at seaports on first day of Undas 2026

Base sa impormasyon mula sa Kilusang Mayo Uno, ilang mga empleyado sa isang private utility corporation ang hindi pinapapasok ang kanilang mga empleyado hanggat walang naipapakitang vaccination card o patunay na nakatanggap na ng covid-19 vaccine.

Bukod pa rito, marami rin anilang mga job seekers sa bansa ang hindi nakakapasok agad sa in-apply’an na trabaho kahit pa kumpleto na ang mga requirements dahil na rin sa walang maipakitang vaccination card.

Read More:  PAGASA warns of danger-level heat index in 16 areas

Mababatid na nilinaw na ng pamahalaan na hindi maaaring ipatupad sa ngayon ang “no vaccine, no work policy” kasunod ng mga kumalat na balita na hindi makakapasok sa trabaho ang isang indibidwal kung hindi pa ito bakunado. // MHEL PACIA-TRINIDAD