WNBA star na si Candace Parker, inanunsyong magre-retiro

Inanunsyo ni three-time WNBA champion at two-time US Olympic champion na si Candace Parker ang kanyang retirement sa larangan ng basketball.

Sa ngayon, mag fo-focus muna siya bilang asawa at ina dahil ito muna ang kanyang top priority.

Nanalo si Parker ng mga titulo ng WNBA noong 2016 kasama ang Los Angeles Sparks, noong 2021 naman kasama ang Chicago Sky at noong nakaraang taon sa Las Vegas Aces.

Sumailalim naman ang manlalaro sa operasyon para sa isang fractured foot noong Hulyo.

###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *