40 katao, patay sa pagguho ng dam sa Kenya

Gumuho ang isang dam sa Kenya, na ikinamatay ng hindi bababa sa 40 katao matapos tangayin ng pader ng tubig ang mga bahay at malaking kalsada sa bansa.

Matatagpuan ang Old Kijabe Dam sa lugar ng Mai Mahiu sa rehiyon ng Great Rift Valley.

Nagdulot ang patuloy na pag-ulan sa Kenya ng pagbaha na ikinamatay na ng halos 100 katao at naging dahilan upang ipagpaliban ang pagbubukas ng mga paaralan.

Sa ngayon, mahigit 200,000 katao sa buong Kenya ang naapektuhan ng baha.

Inatasan ni Pangulong William Ruto ang National Youth Service na magbigay ng lupa para magamit bilang temporary camp para sa mga apektado.

###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *