Mapaghimalang larawan ni Inay Candi sa bayan ng Paracale itatampok sa malaking Marian Procession sa Legazpi

CAMARINES NORTE – Itatampok sa isang malaking Marian Procession sa Legazpi City Albay ang mapaghimalang  imahe ni Nuestra Señora de Candelaria o Inay Candi, ang patrona ng Paracale, Camarines Norte.

Ang kauna- unahang Inang Magayon Grand Marian Procession ay gaganapin sa May 1, ng taong kasalukuyan na inaasahang dadaluhan ng daan- daang deboto ni Birheng Maria.

Batay sa anunsiyo ng Parroquia de Nuestra Señora de Candelaria, gaganapin ang Grand Marian procession alas 5 ng hapon m=na magsisismula sa Sawangan Park patungong katedral ng St. Gregory the Great. Inaanyayahan ang mga deboto na makiisa  sa pagalalakbay ni Inay Candi habang naghahanda ang Diyosesis ng Daet sa  pagdiriwang ng Golden Jubilee. Mababatid na hindi ito ang unang pagkakataon na mapasama ang imahe ni Inay Candi sa malalaking Marian processin sa labas ng probinsiya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *