Wildfire sa northern Israel, sinadya at kagagawan umano ng Hezbollah

Malawakang wildfire ang nararanasang perwisyo ngayon sa northern Israel.

Ilang pamilya ang inilikas matapos na madamay ang kanilang bahay sa wildfire na patuloy pa ring inaapula ng mga bombero.

Ayon sa mga otoridad nagpakawala ng mga rockets ang militanteng grupong Hezbollah mula Lebanon sa hilagang bahagi ng Israel.

Walong buwan ng nagpapalitan ng pag-atake ang dalawang panig kasabay ng pagsiklab ng giyera sa Israel at Hamas sa Gaza. Kilala kasing kaalyado ng Hamas ang Hezbollah.

Dahil dito, nagbabala ang Israel na posibleng lumalala ang tensyon sa Lebanon at giniit din nila na dapat ay hindi na ikagulat ang susunod nilang hakbang.

Sinabi ng Israel na nakahanda ang kanilang military forces na magkasa ng opensa sa boarder ng Lebanon pero nanindigan ang Hezbollah na wala silang balak palalain pa ang tensyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *