MDS Congressman Paglas pabor sa divorce bill

SUPORTADO ni Maguindanao Del Sur Congressman Datu Mohamad Tong Paglas ang inaprubahang House Bill No. 9349 o ang Absolute Divorce Act na inihain sa kamara de representante ng mga mambabatas.


Sa panayam ng Brigada News FM Cotabato sa mambabatas, sinabi nito na malaking tulong ang nasabing batas ito ay upang magkaroon ng katahimikan sa bawat mag-asawa dahil sa pagkakaroon ng takot na mangyare ang mandatory divorce sa kanilang pagsasama.


Bagamat legal sa relihiyong Islam ang nasabing usapin, iginiit ni Paglas na wala namang nagpahayag ng pagtutol sa kanila lalo na ang mga BARMM Congressmen.


Matatandaan na matapos na maaprubahan sa third and final reading ang nasabing batas sa Kamara ay nagpahayag ng pagtutol ang simbahan sa Cotabato City at inihayag na tanging ang pagpapatatag ng relasyon at pundasyon ng mga mag-asawa ang solusyon at hindi na umano dapat humantong sa deborsyo.


Idinagdag pa ni Congressman Paglas na nakapaloob sa nasabing House Bill ang mga alituntunin na dapat sundin pagdating sa mga sanhi o dahilan para sa paghihiwalay ng mag-asawa, at ito ang dahilan kung bakit nararapat na magkaroon ng batas na magpoprotekta sa nasabing usapin.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *