SB19, nominado para sa Favorite Asian Act sa Nickelodeon Kids’ Choice Awards

Talaga namang to the next level na ang Mahalima!

Nominado kasi ang Ppop king na SB19 sa Favorite Asian Act ng 2024 Nickelodeon’s Kids Choice Awards, kahanay ng iba pang malalaking pangalan sa Asya.

Kabilang sa makakalaban nila sa naturang kategorya ang Kpop group na Enhypen, Malaysian singer na si Iman Troye, Japanese girl group NiziU, at Indonesian singer na si Tiara Andini.

Kamakailan lang ay na-reach na ng SB19 ang 3M views para sa bagong kanta nilang moonlight.

Maalalang naglabas ng bagong kanta ang grupo kasama ang Filipino-American rapper na si APL.DE.AP

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *