Wilbert Lee – sasampahan ng ethics complaints

Wala nang atrasan ang paghahain ni Representative Angelica Natasha Co ng ethics complaint laban kay Congressman Wilbert Lee.

Ayon kay Co, kahit humingi ng tawad si Lee ay hindi na niya tatanggapin dahil isang linggo na ang nakalipas at hindi na lalabas na sinsero ito.

Marami na aniyang pagkakataon ang kapwa mambabatas para maglabas ng public apology pero sa halip ay nag-post pa sa social media ng spliced videos para ibahin umano ang narrative.

Read More:  Ombudsman complaint filed vs ES Ralph Recto over alleged ₱167-B fund transfers

Inamin din ni Co na itinuturing na “family friend” si Lee kaya hindi niya inasahan na mangyayari ito sa kanila.

Noong araw na dinuro-duro at inatake umano sila ni Lee ay nakaramdam siya ng trauma at nahimatay pa matapos umiyak at manatili sa lounge.

Nais ni Co na masuspinde si Lee sa pamamagitan ng ihahaing ethics complaint at ipakansela ang kanyang travel authority abroad upang magtanda o matuto ng leksyon.

Read More:  Zubiri apologizes to Inday Badiday’s family

Dagdag pa nito, ang isyu ay higit pa sa nangyaring microphone scuffle sa plenaryo noong budget deliberations sa Department of Health.

Ang usapin umano ay ang pakiramdam ng unsafe workplace sa Kamara kung saan hindi niya alam ang gagawin sakaling magkita muli sila ni Lee.