Dalawa na ang iniulat na nasawi dahil sa pananalasa ng Bagyong Julian.
Sa pinakahuling ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), naitala ang isa rito sa Region I o Ilocos Region at isa rin sa Cordillera Administrative Region (CAR).
Nilinaw ng NDRRMC na ito’y for validation pa.
Nananatili naman sa walo ang nawawala, habang isa ang injured.
Samantala, bumaba na rin ang bilang ng mga indibidwal at pamilya na nananatili sa mga evacuation centers.
Mayroon na lamang naitalang mga bakwit sa Region II at CAR.
Nadagdagan na rin ang mga lugar na nagdeklara ng state of Calamity sa 29.
Nauna nang nagdeklara ng state of calamity ang buong Ilocos Region.