WHO sa PH: Palakasin vax, surveillance efforts bago ang Omicron entry

Iminungkahi ng World Health Organization na lalo pang paigtingin ng gobyerno ang surveillance at vaccination efforts, sa kabila na ang posibleng mas nakakahawang Omicron COVID-19 variant ay hindi pa napapaulat sa Pilipinas.

Ayon kay WHO country representative Rabindra Abeyasinghe, marami pa ang dapat malaman hinggil sa naturang variant na present ngayon sa 57 bansa.

Read More:  Duterte slams Tinio over Davao flood complaint, questions Marcos admin silence

Dahil dito, sinabi ni Abeyasinghe na dapat unahan ng health care system ang kanilang response sa Omicron variant.

Kaugnay nito, imungkahi ng WHO official sa Pilipinas na doblehin ang genome sequencing capacity mula sa 300 sa 700 per week hanggang sa 1,400.

Read More:  More than 1,100 PNP personnel face penalties amid internal cleansing drive

Binigyang diin ni Abeyasinghe na ang tugon sa Delta surge ay dapat maging aral para lalo pang palakasin ang health care system at kahandaan sa pagdetect at pag-manage ng infections sa mga ospital, pagpapaganda sa access sa oxygen tanks at iba pang medical equipment, at pagbabakuna sa mas marami pang tao mula sa priority groups sa lalong madaling panahon. //MHEL PACIA-TRINIDAD