Pagpapalawig sa validity ng 2021 budget sa Dec. 2022, OK na sa Senado

Aprubado na ng Senado sa huling pagbasa ang panukala na nagpapalawig sa validity ng kasalukuyang pondo hanggang sa December 31, 2022.

Inaprubahan ng mga mambabatas ang House Bill 10373 na nagpapahintulot sa mga ahensya na magamit ang 2021 budget na P4.5 trillion para sa pagpapatupad ng priority government programs at projects.

Read More:  Atty. Poa ready to testify in Sara Duterte impeachment trial

Dahil dito, ang panukala ay ipapasa na sa pangulo para lagdaan upang maging batas.

Nakasaad sa panukala na ang pag-gawa ng infrastructure projects at delivery ng goods and services ay kailangang makompleto na hindi lalampas sa Dec. 31 sa susunod na taon.

Read More:  Marcoleta says threats to Guteza’s life and family may have driven his recantation

Mababatid na mula Oct. 31, nakapagpalabas na ang DBM ng P4.39 trillion o 97.4% ng budget. //MHEL PACIA-TRINIDAD