WHO sa China maging mas ‘cooperative’ sa 2nd phase ng COVID-19 origin probe

Hinimok ng head ng World Health Organization ang China na maging mas cooperative sa second phase ng imbestigasyon sa origin ng COVID-19.

Sinabi ni Dr. Tedros Adhamon Ghebreyesus na nananawagan siya ng transparency at mas maluwag na access para sa imbestigasyon Ipinaliwanag ni Ghebreyesus na kailangan ng WHO ng access sa “raw patient data” mula bago at sa pagsisimula ng COVID-19 pandemic.

Hindi kasi ibinahagi ng China ang data sa WHO team sa unang phase ng imbestigasyon na natapos noong Pebrero.

Dito napatunayan na hindi nanggaling ang virus sa isang laboratoryo sa Wuhan China at posible itong nagmula sa mga paniki.

Sa kabila nito, sinabi ni Ghebreyesus na dapat ay maglabas ng malinaw na impormasyon tungkol sa sinasabing laboratoryo sa Wuhan dahil aniya bilang isang doctor, batid niyang nagkakaroon ng mga aksidente.

Matatandaan na lumutang anggulong nagsimula ang COVID-19 sa leak sa Wuhan Institute of Virology na isa sa top virus research laboratories ng China.