WHO, nagpatawag ng emergency meeting re: monkeypox

Nagpatawag na ng emergency meeting ang World Health Organization matapos maitala ang outbreak ng nakahahawang sakit na monkeypox.

Naitala na kasi ang higit sa 100 confirmed at suspected cases nito sa Europa.

Inilarawan ng German military medical services ang outbreak na ito na pinaka-widespread o kalat na nakita nila sa Europe matapos ang mga kumpirmadong kaso nito sa UK, Espanya at sa Portugal.

Read More:  Madriaga included in VP Sara impeachment witness list

Sa kabila nito, hindi pa naman nila nakikitang magiging ‘sing lala ng pandemya ng COVID-19 ang mga kaso ng monkeypox.

Ang sakit na ito ay inihahalintulad sa sa kumalat na sakit noon na smallpox.

Read More:  DILG chief reveals options given to Jinggoy Estrada as arrest warrant looms

Ilan sa mga sintomas nito ay ang lagnat, rashes, at mala-bulutong-tubig na marka sa balat.

Nata-transmit ito sa pamamagitan ng body fluids, pakikipagtalik, at kapag napatakan ang iyong open wound ng tubig mula sa nabuksang sugat ng monkeypox.
#