Japanese PM at presumptive prexy BBM, nagpulong

Nagpa-abot ng pagbati si Japanese Prime Minister Fumio Kishida sa pagapanalo ni presumptive president Bongbong Marcos sa katatapos lamang na national elections.

Sa isang phone call, sinabi ng Japanese leader na umaasa silang magpapatuloy nag relasyon at kooperasyon ng dalawang bansa.

Read More:  Comelec issues subpoena to contributor in Escudero’s election campaign

Sa pahayag ng Japanese Embassy, sinabing ilan sa mga tinalakay ng kanilang pag-uusap ay ang pagpapatuloy ng mga economic projects sa infrastrucure development kabilang na ang mga pinatatayong railways ng Japan at development ng Subic Bay.

Read More:  NAPOLCOM backs Truth Commission, affirms commitment to accountability

Tiniyak naman ni Marcos na kinikilala nito ang importansya ng relasyon ng Japan at Pilipinas.

Napagkasunduaan din ng dalawang lider ang mga hakbang para sa malaya at bukas na Indo-Pacific region.

Sa huli, pumabor din sina Kishida at Marcos na magkita.
#