Mambabatas, umapela sa gobyerno na palawigin pa ang coverage ng booster shots ng COVID-19 vaccine

Matapos ang kumpirmadong local transmission ng OMICRON BA.2.12.1 sa bansa, kinalampag ni Iloilo Rep. Janette Garin ang Gobyerno na palakasin pa at palawigin ang coverage ng booster shot vaccination.

Ayon sa dating Health secretary, masyadong mabagal ang roll-out ng booster shots sa bansa.

Read More:  PSA reports rise in working children in 2025

Ngayon daw kasi, 25% pa lamang ng elligible polulation sa booster shots ang nababakunahan nito.

Sakali mang magpatuloy aniya ang ganito kakupad na bakunahan ay hindi malayong magkaroon na naman ng paglobo ng COVID-19 cases.

Read More:  Padilla renews death penalty call after MC taxi rider killing

Sa huli, nanawagan ang mambabatas sa publiko na sumunod pa rin sa mga minimum health protocols.

Aniya, batid niyang pagod na at sawa na ang mga Pilipino sa mga paalala na magsuot ng face masks at iba pa – pero ito raw ang paraan para mahinto na ang pandemya na malaking banta sa ating pamumuhay.
#