Western Rafah sa Gaza, magulo pa rin – ICRC

Nakatanggap ang International Committee of the Red Cross (ICRC) ng impormasyon galing sa awtoridad ng Israel na patuloy pa rin ang gulong nararanasan sa Western Rafah.

Ayon kay ICRC spokesperson Sarah Davies, patuloy naman ang paggawa nila ng paraan upang mas maging ligtas pa ang mga taong naapektohan.

Dagdag pa nito patuloy pa rin ang ginagawang evacuation at tuloy pa rin ang operasyon sa mga hospital na mas nakatutok sa kaligtasan ng kanilang mamamayan.

Mas naging alerto na umano sila kaya patuloy pa rin silang nagdadagdag ng security para sa kaligtasan ng bawat isa.

Nabatid na marami nang residente sa Gaza ang nadedesisyon na umalis na sa kanilang mga bahay dahil sa nagpapatuloy ng military operation. (HANNAH MAGNAYE -BRIGADA NEWS INTERN)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *