WCPD personnel kailangan din sa Anti-illegal drugs operation- CSWDO Naga

NAGA CITY – Iminumungkahi ni Eden San Andres, Social worker ng City Social Welfare and Development Office at isa sa in-charge sa child rescue operation ng opisina na dapat may kasamang policewoman tuwing nagkakaroon ng anti-illegal drugs operation para naman sa kapakanan ng mga bata at iba pang menor sa bahay ng mga suspek.

Paliwanag ni San Andres sa Brigada News FM Naga mahalaga ang presensiya ng WCPD personnel sa operasyon para agad na madala ang mga bata sa kanilang opisina at maimbestigahan din kun sangkot din ba ng mga ito sa operasyon ng illegal drugs ng kanilang mga magulang.

Anya’y posibleng magka-trauma ang mga bata o kaya iba pang masamang epekto emosyonal dahil sa pangyayari, kabilang na ang pagkatakot ng mga ito sa mga pulis at iba pang masamang idudulot sa kanilang kaisipan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *