Water issues sa ilang evacuation centers sa Albay, tinutugunan na

LEGAZPI CITY – Tinutugunan na ng ilang mga Local Government Units (LGUs) ang ilang mga problema sa tubig sa mga evacuation centers sa lalawigan ng Albay kaugnay pa rin ng pag-aalburoto ng Bulkang Mayon.

Pinangunahan ng Office of Civil Defense (OCD) ang pagbibigay-aksyon katulad ng pag-aactivate sa Water, Sanitation, and Hygiene (WASH) program, at patuloy na pakikipagtulungan sa Department of Health (DoH) upang matugunan ang problema sa tubig.

Read More:  P136-M shabu hidden in Chinese tea bags seized in Cebu

Ayon kay OCD Assistant Secretary na si Bernardo Rafaelito “Raffy” Alejandro IV, hinihintay na lamang ng kanilang opisina ang mga datos mula sa mga concerned LGUs upang makapagbigay agad sila ng tulong sa mga ito.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Kinumpirma naman ni Alejandro na mayroon nang mga paparating na filtration units upang ma-ideploy sa mga evacuation centers.