‘Wasted’ ang unang taong panunungkulan ni Pres. Marcos – Sen. Hontiveros

Tinawag ni Senador Risa Hontiveros na ‘wasted’ ang unang taong panunungkulan ni Pangulong Marcos.

Ayon kay Hontiveros, kasama sa nasayang ay ang oras na ginugol at ang polital capital na ginamit upang maisabatas ang Maharlika Investment Fund (MIF).

Read More:  Philippine Navy personnel injured in alleged China Coast Guard assault at Ayungin Shoal

Dagdag pa ng mambabatas, nabigo si Finance Secretary Benjamin Diokno sa kanyang misyon na gamitin ang mandato ng administrasyon para ituloy ang mga reporma sa buwis at panatilihing maayos ang pondo ng gobyerno.

Read More:  PSA reports rise in working children in 2025

Dahil dito, nangako ang deputy minority leader na hihintayin niya ang Implementing Rules and Regulations (IRR) ng batas para matiyak na secured ang mga prohibitions habang isinasagawa ang plenary deliberations.

Ang IRR ay inaasahang mafa-finalized sa September 2023.