ICC, ibinasura ang pagpigil ng bansa sa war on drugs probe ng Duterte admin

Ibinasura ng International Criminal Court (ICC) ang apela ng Pilipinas na patigilin ang imbestigasyon ng mga piskal sa war on drugs ni dating pangulo Rodrigo Duterte.

Read More:  DSWD extends aid to family of slain motorcycle taxi rider in Caloocan

Ayon kay ICC Judge Marc Perrin de Brichambaut, naubos na ang mga option ng bansa na umapela.

Inilabas ang desisyon ng korte matapos sabihing bubuhayin nitong muli ang imbestigasyon laban sa mga krimeng nagawa noong panahon ng administrasyong Duterte.

Read More:  Marcos maintains trust in Dizon amid SEA Games probe

Dagdag pa nito, importante ang pagsisiyasat  dahil patuloy pa ring nananalangin ng hustisya ang mga biktimang hindi nabibigyan ng hustisya.