Wanted Person sa bayan ng DOS, Huli

HULI sa bisa ng warrant of arrest ang isang wanted person sa Barangay Datu Pinguiaman, Datu Odin Sinsuat Maguindanao.

Isinagawa ang operasyon sa pinagsanib na pwersa ng Datu Odin Sinsuat PNP, 1st PMFC, 2nd MP, RHPU – PROBAR , PIU -MAG PPO,30MCC at DELTA COY 2ND MECH BN, PA.

Kinilala ng mga otoridad ang naaresto na si Jay Ardas, 27 years old na taga Barangay Datu Kiram ng nabanggit na bayan.

Ang warrant of arrest ay inisyu ni Judge Annabelle Piang ng Presiding Judge of RTC Branch 13, Cotabato City na may petsang December 14, 2020.

Si Ardas ay may kinakaharap na kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Act of 2002- Possession of Dangerous Drugs at may piyansang P200,000. Nakakulong na ngayon sa himpilan ng Datu Odin Sinsuat PNP ang nasabing wanted person.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *